76

Apr 23, 2020 @ 13:26
By

NBA G League nililigawan na si Kai Sotto

Malaki ang posibilidad na magkaharap, o maging magkakampi sina Fil-Am Jalen Green at Pinoy prodigy Kai Sotto sa NBA G League.

Ayon sa report ng Forbes, isang source umano ang nagsabi na nakikipag-usap na ang developmental league kay Sotto para sa NBA G League Select Program.

Ang nasabing programa ay bagong landas para sa mga NBA prospect na kakagaling lang sa high school.

Si Green ang unang nag-anunsyo na sasalang siya sa one-year long program tungo sa NBA.

Samantala, si Sotto naman ay dati nang nai-report ni Adrian Wojnarowski na isa din sa kinukunsidera sa G League.

Nitong taon ay naglaro si Kai para sa The Skill Factory, kung saan pinabilib nito ang ilang talent scout, naging sapat pa ang performance para makapasok sa Basketball Without Borders Global Camp ng NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?