100

Oct 1, 2020 @ 16:31
By

NBA Finals ni Paolo nauwi sa ‘Frozen’

Isa si Paolo Contis sa mga basketball fan na sabik masaksihan ang Game One ng paghaharap ng Los Angeles Lakers at Miami Heat sa NBA Finals.

Pero napurnada ito dahil sa kanyang anak na si Summer.

Enjoy na enjoy kasi ang bagets sa panonood ng Disney film na “Frozen” at hindi na nakasingit sa TV ang aktor.

“Game 1 ng NBA Finals..!! pero FROZEN ang pinapanood koooo!!!” caption ni Paolo sa Instagram post habang katabi sa upuan ang naka-smile na si Summer.

Nanalo sa Game One ang Lakers kontra Heat, 116-98.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?