23

Apr 23, 2021 @ 11:26
By

NBA draft prospect todas sa car crash

Patay ang isang 19-anyos na atleta matapos itong maaksidente sakay ng isang sasakyan sa Los Angeles, California nitong Huwebes ng hapon.

Naglaro si Terrence Clarke para sa Kentucky Wildcats sa kanyang freshman season, at nakatakda na sanang sumali sa 2021 NBA Rookie Draft.

“Terrence was an incredible, hard-working young man. He was excited for what was ahead of him and ready to fulfill his dreams. Our prayers go out to Terrence and his family, who ask for privacy during this difficult time.” ayon sa pahayag ni Rich Paul, ang CEO ng Klutch Sports.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang coach ni Clarke sa Kentucky na si John Calipari, at pupunta sa Los Angeles para makasama ang pamilya ng kanyang dating manlalaro.

Si Clarke ay ika-72 sa Top 100 prospect sa 2021 Draft Class.

Nag-average ito ng 9.6 points sa kanyang pitong laro sa Wildcats ngunit napahinga matapos magtamo ng ankle injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?