869

NBA ‘di pinayagan si Jordan Clarkson sa Asian Games

Sharing is caring!

Hindi makakasama ang Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson sa koponan ng Pilipinas na sasabak sa Asian Games basketball tournament ngayong Agosto.

Ayon sa source ng ESPN, hindi umano nakakuha ng clearanceFilipino-American na si Clarkson sa NBA kaya’t hindi ito makakasali sa 12-man roster na sasali sa Asian Games.

Samantala, pinayagan naman ng organizer ng 18th Asian Games si Clarkson na makapaglaro sa basketball tournament na sisimulan sa Aug. 18.

Sabi sa ulat ng SPIN.ph, binigyan na ng Indonesia Asian Games Organizing Committee ng ‘go signal’ si Clarkson na makasama ang koponan ng Pilipinas na sasabak sa nasabing torneyo.

Ang approval ay inaprubahan matapos ang eligibility deliberation ng 14 na koponan na kasali sa basketball competition ng Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?