67

Oct 31, 2017 @ 12:09

NBA: Cavs, Warriors parehong dapa

Tuloy ang pangangapa ng NBA champion Golden State Warriors at runner-up nilang Cleveland Cavaliers sa kaagahan ng season.

Nagsabwatan para sa 66 points sina Tim Hardaway Jr. at Kirstaps Porzingis­ para bitbitin ang New York sa 114-95 pagpapahiya sa Cavs sa Cleveland niton­g Linggo.

Sa Oakland, California, namigay ng 25 turnovers ang Warriors a 115-107 loss sa dumayo ding Detroit Pistons.

Unang panalo ito ng Kings sa Cavs sapul noong Oct. 30, 2014, tinapos ang 10-game losing streak kontra Cleveland.

Tumapos si Hardaway ng 34 points, may 32 at 12 rebounds si Porzingis sa Knicks.

Naka-apat na talo na si LeBron James at ang Cavs sa nakalipas na walong araw.

Nakawala ang 14-point lead ng Golden State sa third quarter.

Naiiwan ang Warriors 108-105 may 1:55 na lang sa laro nang makaagaw si Stephen Curry, pero sablay siya sa layup at sa sumunod na three-point attemp­t.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?