54

Dec 5, 2017 @ 12:10

NBA: Bulls, ‘worst team’ ngayong season

Mission accomplished para sa Cleveland Cavaliers ang kanilang ika-12 sunod na panalo at dinagdagan pa ang paghihikahos ng Bulls sa siyam na sunod na talo, 113-91, sa karambola ng dalawang team sa United Center sa Chicago.

Bumida sa red-hot Cavaliers (17-7) si Dwayne Wade na nagtala ng 24 points sa 26 minutong nilaro habang may panahog na 23 puntos, seven rebounds at six assists si LeBron James sa 34 minutes playing time.

Ang Bulls ang pinaka-‘maalat’ na team ngayong season sa NBA matapos bumagsak sa 3-19 win-loss slate kasama ang Atlanta Hawks at Memphis Grizzlies sa top bottom.

Ito pa lamang ang unang season ni Wade sa Cavaliers at kanyang pampitong sunod na laro na nakapagtala siya ng double figures.

Hindi rin nagpahuli si Kevin Love para sa Cleveland na ganado ring naka-iskor ng 24 points at 13 rebounds.

Sa panig ng Bulls ay si Kris Dunn ang nanguna sa naitarak na 15 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?