24

Apr 26, 2020 @ 15:33
By

NBA, bubuksan ang ilang team practice facilities para sa mga lugar na nagluwag ng stay-at-home restrictions

Inaasahan na bubuksan ng NBA ang mga team practice facilities sa Biyernes (US time) para sa mga states at municipalities na niluwagan ang kanilang stay-at-home restrictions sa kasagsagan ng coronavirus pandemic, ayon sa ulat ng ESPN.

Makakabalik ang mga players sa kanilang team facilities sa mga state katulad ng Georgia (Atlanta Hawks) ngunit tanging voluntary individual workouts lamang ang pahihintulutan ng NBA sa mga koponan.

Kabilang rin sa mga states na nagluwag ng stay-at-home restrictions ay ang Oklahoma (Oklahoma City Thunders) at Florida (Miami Heat) (Orlando Magic).

Samantala, inabisuhan naman ng NBA ang mga teams sa ibang lugar na nananatili ang stay-at-home orders na naghahanap na ang mga ito alternative arrangements para sa mga players.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?