53

Mar 28, 2020 @ 15:46
By

NBA Analyst Doris Burke tinamaan ng COVID-19

Kinumpirma mismo ni NBA Analyst Doris Burke na siya’y positibo sa COVID-19.

Nasa laro pa nga ng Dallas Mavericks at Denver Nuggest si Burke noong March 11 kung saan ‘yon rin ang parehong araw kung saan kinumpirmang nag-positibo si Rudy Gobert sa virus.

Maging sa ang Nuggets ay may isang miyembro rin nila ang positibo sa COVID-19.

Mula nang makaramdam ng sintomas si Burke ay agad siyang nagsimulang mag-quarantine sa loob ng 14 araw at hiniwalay ang kanyang sarili sa kaniyang anak at fiance.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang 54-anyos na sports analyst.

“I am out of my room. Thank God,” ani Doris Burke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?