53

Jan 10, 2020 @ 19:32
By

NBA All-Star Game Voting: LeBron nilampasan si Luka

Namumuro ang rematch ng Team LeBron vs. Team Giannis sa NBA All-Star Game.

Nilagpasan ni LeBron James ng Lakers si Luka Doncic ng Dallas sa overall at Western Conference lead sa fan voting.

Si Giannis Antetokounmpo ang runaway leader sa East voting.

Sina James at Antetokounmpo ang team captains noong nakaraang taon. Magiging captains ang highest vote-getter mula West at East.

Si James din ang captain ng East nang unang gamitin ang format noong 2018, katapat niya sa West si Steph Curry.

Tinalo ng Team LeBron ang Team Giannis 178-164 noong nakaraang taon. sinapawan din ng Team LeBron ang Team Curry 148-145.

Lamang si James ng 82,001 votes kay Doncic, ayon sa ni-release na balloting update ng NBA nitong Huwebes. Nangununa si James sa West frontcourt voting sa 3,359,871, lamang din sa teammate niyang si Anthony Davis (3.124,446) at kay Kawhi Leonard ng Clippers.

Leading si Doncic sa West guards sa 3.227,870, pangalawa si James Harden ng Houston sa 2,167,269.

Sa East, halos doble ang boto ni Antetokounmpo (3,259383) sa frontcourt balloting. Sa likod niya sina Joel Embiid (1,784,211) ng Philadelphia at Pascal Siakam (1,730,763) ng Toronto.

Sa East guards, una si Trae Young (1,389,628) ng Atlanta sunod sina Kyrie Irving (1.351,997) ng Brooklyn at Kemba Walker (1,331,577) ng Boston.

Hanggang Jan. 20 pa ang fran voting. Ang starters – tatlong frontcourt, dalawang guards – ay madedetermina sa via fan votes (50%), players (25%) at media (25%).

Sa Jan. 23 ihahayag ang starters at dalawang player captains na magda-draft ng kani-kanilang teams. Sa Jan. 30 malalaman ang reserves na pipiliin ng NBA coaches.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?