14

By

Nayre laglag sa Youth Olympic Games

Sharing is caring!

Wala nang pag-asang makapag-uwi ng medalya sa 2018 Youth Olympic Games si Jan Mari Nayre matapos pulbusin ni Kanak Jha ng Amerika nitong Lunes (Martes sa Pilipinas) sa Table Tennis Arena, Technopolis sa Buenos Aires, Argentina.

Winalis ni Jha si Nayre sa loob ng apat na sets 13-11, 11-8, 15-13,11-8 para sipain ang Pinoy paddler sa susunod na round.

Matapos ang back-to-back na pagkatalo nito kasunod ng panalo kontra Nicolas Burgos ng Chile, bigo na umusad sa round of 16 ng torneo ang 18-anyos at tubong Baybay, Leyte na si Nayre.

“Maganda ang nilaro ko kanina pero talagang magaling ang kalaban,” wika ni Nayre.

“Crucial talaga ang laban ko against Austria. This is a learning experience para sa akin,” dagdag niya.

Si Nayre ang kauna-unahang Filipino table netter na nakatungtong at lumaban sa Youth Olympic Games at nagawa rin nitong makapasok sa quarterfinals ng Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur at sa round of 32 ng katatapos lang na Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?