50
Nayong Pilipino chair pinakakasuhan ng Ombudsman
Mar 3, 2020 @ 20:46
By

Nayong Pilipino chair pinakakasuhan ng Ombudsman

Iniutos ni Office of the Ombudsman Samuel Martires ang pagsasampa ng kaso laban sa Nayong Pilipino Foundation Inc. chairman at mga board member nito dahil sa katiwalian at indirect bribery.

Ito ay nang napatunayan ng Ombudsman na mula noong Setyembre 29, 2017 hanggang Oktubre 1, 2017 ay nakinabang sa libreng private jet transportation ang grupo ni Nayong Pilipino Foundation Inc. chairman Patricia Yvette Desiongco patungo at pabalik mula sa Jeju island sa South Korea.

Maliban dito, nadiskubre rin ng Ombudsman na mayroon din silang libreng akomodasyon na kaloob ng Landing International Limited (LIDL).

Sa rekord, nangyari umano ang free transportation at accomodation habang ongoing ang negosasyon para sa kontrata ng Nayong Pilipino at LIDL.

Nabatid na sa ilalim ng batas, mahigpit na ipinagbabawal sa mga public official ang mag-request o tumanggap ng regalo, benepisyo o pabor mula sa mga katransaksyon ng gobyerno.

Bukod kay Desiongco, sabit din ang mga board member na sina Alicia Manuel, Rex Anthony Villegas, Caroline Lansang, Elizabeth Mercado at Efraim Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?