2,046

Dec 24, 2017 @ 10:42

Nawawalang teenager nakita na sa Laguna

Natagpuan na ang 17 anyos na estudyante, na huling nakita sa isang coffee shop sa Muntinlupa city, sa Laguna isang araw bago ang Pasko.

Ayon kay Southern Police District Director Chief Supt. Tomas Apolinario na nakita na ng mga tauhan ng San Pablo City police Patricia “Ica” Policarpio sa kanilang pag-iikot sa lungsod.

Kinumpirma ng mga kaanak na nakita na nga si Ica matapos mag-post sa kanyang Facebook page ang kapatid nitong si Bea.

Walang naman ibinigay na ibang detalye ang pulisya gayundin pamilya nito.

Si Policarpio ay huling nakita sa Coffee Project sa isang mall sa East Service Road sa Sucat, Muntinlupa dakong alas- 10:53 p.m. noong Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?