31

Feb 24, 2021 @ 13:20
By

Nawawalang DSWD staff natagpuang dedo, balot ng tape

Ang hinahanap na kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patay na nang matagpuan sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Justine Charles Accad, 30 taong gulang at residente ng Barangay Malanday, Marikina.

Napaulat na nawawala si Accad, Pebrero 19. Ayon sa pulisya, huli siyang namataan noong Biyernes ng umaga malapit sa Marikina at sa Caloocan na noong Biyernes ng hapon.

Makalipas ang 2 araw, natagpuan siyang patay, nakatali ang mga braso at mga paa, at balot ng packaging tape ang ulo.

Nakiramay ang DSWD sa pamilya ni Accad, na empleyado ng DSWD-Field Office National Capital Region.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya na magbibigay ito ng tulong sa pamilya ng biktima, at aasiste sa pagbiyahe ng nanay ng kawani mula Zamboanga City patungong Maynila.

Sinabi rin ng DSWD na kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa otoridad hinggil sa imbestigasyon ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?