281

Jun 26, 2022 @ 14:36
By

Nawawalang cellphone ni Awra napadpad na sa Greenhills: Sinusubukan ibenta

Napadpad na sa Greenhills Shopping Center sa San Juan ang nawawalang cellphone ni Awra Briguela.

Kamakailan ay ipinagbigay alam ni Awra na nawawala ang kanyang iPhone.

Aniya, nadukot umano ito nang manood siya nang live ng UAAP women’s volleyball.

Sinabi pa ni Awra na bibigyan niya ng pera ang magsasauli nito sa kanya.

Samantala, sa Instagram story, napag-alaman ng komedyante na napunta na sa naturang shopping mall na ang kanyang cellphone.

“Yes po opo nasa greenhills na sya at sinusubukan ibenta ang iphone na ninakaw nya,” pahayag ni Awra.

“Sa mga may store po sa greenhills kung may nagbebenta po sa inyong iphone xr ipag bigay alam po agad saken ako po bibile,” dagdag pa nito.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?