By

Nawawalang ‘black box’, palusot lang ng MRT – BURI

Sharing is caring!

Nagpahiwatig ang Busan Universal Rail Inc. (BURI) na posibleng panglilihis sa mga isyu sa MRT ngayon ang pahayag na nawawala ang Messma Card, ang itinuturing na ‘black box’ ng tren, ng kumalas na bagon noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Atty. Charles Mercado, ang tagapagsalita ng BURI, nasa tabi lang ng train engineer ang Messma Card kaya’t dapat aniyang tanungin ang mismong engineer o ang nagsagawa ng inspection bago ang pagbiyahe.

“They are distracting us from the real issue, ginagawa nilang mysterious na iyung black box missing,” hirit ni Mercado.

Dagdag pa nito, nakakatiyak siya na hindi sila ang tinutukoy ni Transportation Usec. Cesar Chavez sa pahayag nito na may mga ‘persons of interest’ na sa naturang insidente.

Giit ni Mercado wala na silang kinalaman sa operasyon ng MRT dahil pinutol na ng gobyerno ang kanila maintenance contract at sa ngayon ang DOTr na ang nangangalaga sa MRT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?