667

Feb 23, 2020 @ 18:32
By

Nawawalang aso ni-report ang sarili

Isang aso ang nagpunta sa police station para iulat na nawawala siya.

Madaling-araw noong nakaraang linggo, namataan ng mga pulis sa Odessa Police Department sa Texas, Amerika si Chico sa kanilang counter.

Naaliw ang mga pulis at nakipaglaro ng tennis ball sa aso.

Ilang saglit makalipas, naalala ng mga pulis na ‘lost dog’ si Chico at pinaghahanap ang microchip nito.

Gayunman, ayon sa mga pulis, nilutas na rin ng aso ang dinala niyang kaso–nagtatakbo at umuwi na ito sa kanilang bahay na nasa 1.6 kilometro ang layo mula sa istasyon.

“He ran out just as quick as he came in. The owner responded the next day [to say that] it was his dog and he had returned home. He lives about a mile from the station,” hayag ni Sergeant Rusty Martin sa The Dodo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?