194

By

Nawalang dalagita, bangkay na natagpuan at nakasilid sa sako

Patay na nang makita ang isang 16-anyos na dalagita noong Miyerkoles, Disyembre 4 matapos itong iulat na nawawala sa Barangay Punong Grande, Banga, South Cotabato.

Sa ulat ni South Cotabato Police Director Police Col. Jemuel Siason, nakasilid sa sako at nakatali ang dalawang kamay ng biktimang si Barbie, Grade 10 student, nang matagpuan sa irrigation canal sa Barangay Punong Grande ng nasabing bayan.

Lumalabas sa ulat na Disyembre 2 ng gabi nang i-report ng pamilya ng biktima sa pulisya ang pagkawala ni Barbie matapos na hindi na ito makauwi mula nang pumasok sa eskuwelahan umaga ng Lunes.

Miyerkoles ng umaga nang matagpuan ng isang magsasaka ang isang sako sa gilid ng irrigation canal at ng kanyang tignan ang laman nito ay tumambad sa kanya ang bangkay ng dalagita na agad niyang ini-report sa mga awtoridad.

Ang malaking palaisipan sa pulisya ay kung bakit wala na kahit anumang sugat o bakas kung paano pinatay ang dalagita kaya isinailalim ito sa awtopsiya ng crime laboratory ng South Cotabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?