18

Mar 22, 2021 @ 17:14
By

Nawalan ng tubig: Roque lumipat ng quarantine facility

Lumipat ng ibang lugar para ituloy ang kanyang isolation si Presidential Spokesman Harry Roque matapos mawalan ng supply ng tubig ang hotel sa San Juan City na nagsilbing isolation facility nito sa loob ng isang linggo.

Sinabi ni Roque na nasa isang bakanteng bahay siya ngayon para maituloy ang quarantine matapos magpositibo sa COVID test nito noong Marso 15, 2021.

Hindi aniya siya maaaring umuwi sa kanilang bahay sa pangambang mahawa ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang asawa na mayroon ding comorbidity.

“Nawalan ng tubig sa quarantine hotel. Lumipat po ako. Hindi po ako umuwi sa bahay ko because my wife has a comorbidity, nanghiram po ako ng bakanteng bahay where I am quarantining,” ani Roque.

Umaasa si Roque na makakadalo na siya nang personal sa “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Lunes sa sandaling makumpleto ang kanyang 10-day quarantine.

Hindi aniya kailangang kumpletuhin ang 14-day period dahil asymptomatic naman ito pero muling sasailalim sa swab test dahil isa ito sa requirement sa pagpasok sa Malacañang.

“Atat na atat na rin po ako, by next week tapos na yung aking quarantine so makaka-attend na rin ako ng ‘Talk to the People’ sa Monday next week at makikita ko na rin si Presidente,” dagdag ni Duque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?