Abante-VisMin-Radar-missile

Navy, palalakasin ng missile system mula sa Israel

Sharing is caring!

Dumating na umano mula pa noong nakaraang linggo ang missile system na gagamitin ng Philippine Navy mula sa Israel.

Natanggap na ng Navy ang una nitong Spike-ER short range surface-to-surface missiles para sa multi-purpose attack craft (MPAC) nito, ayon sa Department of National Defense.

Nasa kamay na rin ng Navy ang Typhoon MLS-ER launchers at Mini Typhoon 12.77mm remote controlled weapon systems.

Ang mga bagong biling kagamitan ay inaasahang magbibigay lakas sa operasyon ng Navy laban sa maliliit o malalaking barko.

Ito umano ang unang pagkakataon na naging missile-firing capable ang Navy at maaasahan na sa pagpapatrolya sa kanilang area of responsibility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?