600

Dec 19, 2017 @ 18:17
By

Navy chief Ronald Joseph Mercado, sinibak sa puwesto

Tinanggal na sa puwesto ang pinuno ng Philippine Navy na si Flag Officer in Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo.

Paliwanag ni Arevalo, ipinatupad ang hakbang na ito matapos ang kautusan ng mga higher authorities kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.

Isinagawa aniya agad ang change of command kaninang umaga kung saan ipinalit kay Mercado si Rear Admiral Robert Empedrad bilang Acting Flag Officer-in-Command ng Philippine Navy.

Habang si Mercado ay mapupunta sa office of the Chief-of-Staff, AFP on Special Duties na nasa AFP National Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Sa ngayon ayaw na munang magbigay ng dahilan ng AFP sa pagkakasibak sa opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?