26

Jul 16, 2021 @ 18:59
By

Navotas nakaalerto sa pagsirit ng COVID case

Inilahad ni Navotas Mayor Toby Tiangco na nag-alerto ang lungsod nang tumaas ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Tiangco sa “Balitaan at Kumustahan”, nagsimulang tumaas ang kaso ng COVID sa lungsod noong June 26, 2021.

Dagdag niya, 46 lamang ang positibo sa kanilang lungsod noon ngunit pumalo ito sa mahigit 100 kaso sa loob lamang ng apat na linggo.

Nagsimula ito nang may magpositibo sa lungsod nang hindi niya alam.

Ang Navoteñong ito ay namamasukan umano sa isang establisyimento na may iba pang 40 empleyado.

Sa pakikisalamuha sa trabaho, 26 out of 40 na empleyado ang kanyang nahawaan.

Kaya ani Mayor Tiangco, ang tamang pagsuot ng face mask ang isa sa pangunahing dapat alamin ng bawat tao bilang depensa upang makaiwas sa nakahahawang virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?