23

Nov 14, 2020 @ 18:26

Navotas nagpadala ng rescue team sa Cagayan

Tutulong ang Navotas City government sa mga residente sa Cagayan na lubog sa baha.

Sinabi ni Mayor Toby Tiangco nitong Sabado, na naghahanda na ang rescue team para ma-deploy at respondehan ang mga residenteng na-trap sa bubong ng kanilang mga bahay matapos magbuhos ng malakas na ulan ang bagyong Ulysses.

Magdadala ang team ng rescue boat, ambulansya, mga banig, kumot at food pack.

“Ipanalangin po natin ang ligtas nilang pagbiyahe papunta at pauwi, at habang isinasagawa nila ang rescue operation,” sabi ni Tiangco sa tweet, Nob. 14.

Bago noon ay nagpadala na rin ang Navotas LGU ng rescue team, rescue boat, utility truck, pick-up truck at amphibian unit sa Marikina na sinalanta rin ni ‘Ulysses’ para sa espiritu ng bayanihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?