36
Navotas nadagdagan ng kaso ng COVID-19
Mar 31, 2020 @ 16:04
By

Navotas nadagdagan ng kaso ng COVID-19

Nadagdagan ng panibagong kaso ng COVID-19 ang Navotas City.

Sa ibinahaging datos ni Mayor Toby Tiangco, tatlo na ang COVID-19 kaso sa lugar.

Naitala ang ikatlong kaso sa bahagi ng Barangay NBBS Dagat-Dagatan.

Muli namang nagpaalala si Tiangco sa mga residente sa lugar na sumusunod sa mga panuntunan para hindi na kumalat pa ang virus.
(AUER DIAZ)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?