62

Jul 2, 2019 @ 16:03
By

Navotas muling nakakuha ng pinakamataas na COA audit rating

Sa ikaapat na pagkakataon, nakatanggap ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA 2018 audit report, nakuha ng Navotas ang unqualified opinion sa ikaapat na pagkakataon.

Ang lungsod lamang ang natatanging local government unit sa Metro Manila na may ganitong rekord.

Natanggap din ng Navotas ang unqualified opinion ng COA noong 2015, 2016 at 2017.

“Ikinararangal natin na nakatanggap tayo ng ikaapat na unqualified opinion mula sa COA.

Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga departamento at tanggapan ng ating pamahalaang lungsod sa kanilang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa mga mamamayan ng Navotas,” ayon kay Cong. John Reynald Tiangco.

Sa kabilang banda, hinikayat ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang mga kawani ng city hall na panatilihin ang pinakamataas na antas ng pagsunod sa mga batas ukol sa paggamit at pamamahala ng pondo ng bayan.

Ibinibigay ng COA ang “unqualified opinion” sa isang tanggapan o ahensya ng pamahalaan na mayroong maayos na paglalahad ng financial position, financial performance at cash flow at sumusunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?