13

May 5, 2021 @ 20:09
By

Navotas may pinakamalaking pagbaba ng COVID-19 case sa NCR

Inihayag ni Navotas Mayor Toby Tiangco na nangunguna ang lungsod sa may pinakamalaking pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa buong Metro Manila.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Tiangco na ayon sa OCTA Research Group, -76% ang ibinaba sa average daily attack rate (ADAR) ng Navotas mula Abril 25 hanggang Mayo 1.

“Mula sa 137 na ADAR, bumaba po ito sa 33 nitong nakaraang linggo,” ani Tiangco.

Binigyang-kredito ni Tiangco ang masisipag nilang mga frontliner pati na ang agresibong contact tracing, testing, isolation, treatment at monitoring ng mga pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?