166

Oct 19, 2017 @ 16:57

Navotas may bagong curfew ordinance

Inaasahang iapapasa ngayong araw bagong ordinansa ang Navotas City Council para sa curfew ng mga kabataan matapos na ibasura ng Supreme Court (SC) ang Pambansang Ordinansa Blg. 2002-13 dahil sa petisyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) noong Hulyo ng nakaraang taon.

Tiniyak ng mayorya ng Sangguniang Panlungsod na sa bagong curfew ordinance na ipapasa ay magtatakda ng pinakamalayang pamamaraan para maiiwas sa kriminalidad at karahasan ang mga kabataan.

Sa sandaling ang bagong ordinansa ay mailathala sa mga pahayagan ay agad nilang ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas- 4:00 ng madaling araw.

Nauna nang sinabi ng konseho ng lungsod na nakapaloob sa ang bagong curfew ordinance na hindi huhulihin sa curfew ang mga batang may kasamang mga magulang o tagapangalaga kung ang mga bata ay hindi masasangkot sa ilegal na gawain.

Papayagan din umano ang mga kabataang dumalo sa Simbang Gabi o anumang aktibidad na may kinalaman sa paaralan, simbahan at mga political rallies na bahagi ng kanilang mga karapatan.

Nakasaad din sa bagong ordinansa na ang sinomang magulang o guardian na magpapabaya sa kanilang tungkulin ay papatawan ng multa at pananagutin. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?