227

Mar 19, 2019 @ 13:07
By

Navotas Jail extension, mas pinalawak

Pinasinayaan ang two-story extension ng Navotas City Jail para matugunan ang isyu ng pagsisiksikan ng mga preso at maiwasan ang pagkakasakit.

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Clint Geronimo at Navotas City Jail Warden CInsp. Ricky Heart Pegalan ang pagpapasinaya ng jail extension na naglalaman ng 10 selda na may 360 square meters.

Babawasan ang congestion rate ng city jail mula 2,400 porsiyento hanggang 737.8 porsiyento.

“Kahit na malaki na ang nabawas natin sa ating jail congestion, patuloy pa rin kaming magsisikap para mabigyan natin ang ating mga inmate ng sapat na espasyo para makapamuhay sila nang may dignidad,” ayon kay Mayor Tiangco.

Kasama sa sumaksi sa pasinaya ang iba pang opisyal ng lungsod, mga pamilya ng inmates, mga guro ng Alternative Learning System na nagtuturo sa city jail, miyembro ng faith-based groups na bumibisita sa inmates at mga empleyado ng city hall at ng Bureau of Jail Management and Penology-Navotas.

Nagpasalamat naman si Supt. Pegalan sa magkapatid na Tiangco at sa iba pang opisyal ng lungsod dahil sa pagbigay ng pondo upang maitayo ang NCJ extension na malaking tulong upang mabawasan ang kasikipan ng mga nakakulong sa naturang kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?