10

Mar 12, 2021 @ 21:13
By

Navotas Fish Port tuloy operasyon – Tiangco

Hindi ihihinto ang operasyon ng “fishing capital of the Philippines” na Navotas Fish Port sa kabila ng pagtaas ng coronavirus disease case sa lungsod, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

Ani Tiangco, naging posible ito dahil “very cooperative” ang pamunuan ng fish port maging ang mga awtoridad.

Dagdag ng alkalde, hindi nila maaaring suspendihin ang operasyon ng fish port dahil makakaapekto ito sa supply ng isda sa Metro Manila.

Idagdag pa aniyang peak fishing season ang panahon ng summer.

“Hindi naman natin pupuwedeng ihinto ‘yan dahil siyempre kailangan nga maging mura ang bilihin, lalung-lalo na sa panahon na hirap ‘yung ating mga kababayan,” wika ni Tiangco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?