14

Jan 11, 2021 @ 10:34
By

Navotas bibili ng 100K dose ng AstraZeneca vaccine

Nasigurado na ng Navotas City government ang 100,000 doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca para sa mga residente nito.

“Pinirmahan po natin kahapon ang kasunduan para makabili po tayo ng 100,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 sa AstraZeneca pharmaceutical company,” sabi ni Mayor Toby Tiangco sa Facebook ngayong Lunes.

“Dahil dalawang dose po ang kailangan ng bawat tao, 50,000 Navoteño po ang unang mabibigyan natin ng bakuna na inaasahan nating dadating sa second half ng 2021.”

“Manatili po tayong maingat at sundin natin ang mga safety protocols habang hinihintay natin ang bakunang ito,” aniya pa.

Binebenta ng AstraZeneca ang bakuna nito sa halagang halos P500 kada dose, ang pinakamurang bakuna na inaalok sa mga vaccine candidate na kinukunsidera ng ating bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?