59
sunog41
By

Naval Sangley Point sa Cavite nasunog

Sharing is caring!

Naabo ang isa sa mga pasilidad ng Naval Ordnance Depot ng Philippine Navy sa Naval Station Sangley Point sa Cavite City.

Ayon sa pahayag ni Philippine Navy spokesperson Commander Jonathan Zata, nagsimula ang sunog bandang alas-5:30 ng umaga sa weapon storage unit ng Naval Ordnance Depot na naglalaman ng ammunition para sa small calibre guns.

Sinabi ni Zata na ayon sa incident commander ng Philippine Navy na deklarang ‘contained’ ang sunog ng 7:45 ng umaga.

Kasalukuyang isa pa ring palaisipan ang pinagmulan ng sunog.

Samantala, wala namang naitalang nasaktan sa nasabing aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?