283
Nautusan lang: Enciso nag-sorry kay Cone sa pambaon na tres
Mar 4, 2019 @ 14:25
By

Nautusan lang: Enciso nag-sorry kay Cone sa pambaon na tres

Kung si Simon Enciso lang ang masusunod, hindi na umano niya ititira ang tres na lalong nagpatambak sa Ginebra kontra Alaska sa kanilang laban sa Ynares Center sa Antipolo, Linggo ng gabi.

Sa dulong tagpo ng laban, lamang na ng 23 puntos ang Alaska, ngunit tumira pa si Enciso ng tres na swak sa ring para itarak ang 104-78 victory.

Naging dahilan ito para mag-walkout si Ginebra coach Tim Cone habang hinahabol naman ito ni Alaska mentor Alex Compton para magpaliwanag.

“I wanna truly apologize from my end because in the States that’s pretty much showboating and I’m not about that. So I wanna apologize to everybody for doing that,” saad ni Enciso.

Nautusan lamang umano siya at sumunod lamang sa kanyang mga coach, itinangging ginawa niya ito para mabastos ang Ginebra.

“I was just abiding to what the coaches were telling me. I was already dribbling it out, the seconds were already gone, and then coach told me to shoot so I shot it and it went in,” aniya pa.

“They’re yelling quotient on my end — I guess Alaska didn’t make it to the playoffs one time off just one point so coach Alex wanted me to shoot and unfortunately it went in.”

Kanya ring nakita kung bakit nanggalaiti si Cone sa kanyang nagawa, at muling humingi ng tawad sa PBA winningest coach.

“But I also see it on the Ginebra side. We’re up by thirty, why score again? So I see it from both sides,” pakli nito. “Like I said I just wanna apologize from the bottom of my heart, I didn’t mean it.”

Sa nasabing laro, tumapos si Enciso ng may 23 points, sahog ang limang assists at apat na rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?