748
Natuwa pa sa pagkaubos ng trabaho: Angel Locsin binanatan si Jimmy Bondoc
By

Natuwa pa sa pagkaubos ng trabaho: Angel Locsin binanatan si Jimmy Bondoc

Hindi nakapagtimpi si Kapamilya actress Angel Locsin sa naging patama ni singer Jimmy Bondoc sa isang TV network dahil umano sa kabulastugan nito sa pamumulitika at sexual harassment issue.

Sa Facebook post ni Bondoc, kanyang sinabi na isang TV network ang nananahimik lang sa nangyayaring panghahalay, at nagbebenta pa umano ng benta ng slant sa balita.

Sa social media account naman ni Locsin, sinimulan nito ang tweet sa lyrics ng kanta ni Bondoc na ‘Let Me Be The One’, at sinabihan na tila natutuwa pa ito na ilang libong tao ang mawawalan ng trabaho dahil sa posibleng pagsara ng isang istasyon.

“Let me be the one to break this news to you so you don’t have to make excuses. The network might not be perfect but for you to be happy about thousands of people losing their jobs is pure evil. Maybe you’re just having a bad day. I will pray for you,” saad ni Angel.

Sinabi rin ni Angel na dapat ay magreklamo umano si Jimmy kung nakaranas siya ng sexual harassment.

“Nung sumikat ka ba may na experience ka na sexual harassment? If yes i encourage you and all the victims to report this to the police. But generalizing that sexual favor is a prerequisite to success is just wrong,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?