56
Natutunan kay Caloy, Yeng gagamitin ni Gavina sa Bacoor
By ,

Natutunan kay Caloy, Yeng gagamitin ni Gavina sa Bacoor

Si Rain or Shine Elasto Painters assistant coach Chris Gavina na ang bagong head coach ng Bacoor City Strikers sa bagong season ng MPBL simula Hunyo 12.

Noong Miyerkoles ay inunsyo ng pamunuan ng Bacoor ang pagtatalaga nito kay Gavina bilang coach ng tropa kasama si Aldrin Morante bilang first assistant coach.

Masaya at excited naman si Gavina sa pagbabalik MPBL niya matapos umalis para mag-focus sa pag-aasist sa Rain or Shine.

“I’m excited to be back and coach in the MPBL. I think, my time away from the PBA and being head coach in the MPBL, helped me define myself as a head coach,” sabi ni Gavina sa panayam ng online site na FOX Sports Philippines.

“I’ve learned a lot from Coach Caloy (Garcia) at Rain or Shine and even went as many Gilas practices as I could to observe Coach Yeng Guiao.”

Huling nag-coach sa MPBL si Gavina sa ilalim ng Valenzuela Classic bago ito umalis at nagtungo sa PBA para sa Elasto Painters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?