17

Nov 20, 2021 @ 15:06
By

Naturukan ng booster shot lagpas 6K na – DOH

Lumagpas na umano sa 6,000 ang kabuuang bilang ng mga healthcare worker na naturukan ng booster shot, batay sa tala ng Department of Health (DOH).

“As of November 18, naka-6,457 tayo sa buong Pilipinas na mga healthcare worker na naturukan ng booster shot kontra COVID-19,” pahayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa panayam ng Dobol B TV.

Pinakamarami ang bilang ng healthcare worker na nabakunahan ng booster shot sa NCR (2,811), Cordillera Administrative Region (1,457), at Rehiyon III (1,541).

Nitong Miyerkoles inilarga ang pagbabakuna ng booster shot sa mga healthcare worker.

Ang mga inaprubahang gamitin bilang booster shot ay mga bakunang Moderna, Pfizer, at Sinovac, kung saan maaaring mamili ng brand ang mga tuturukan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?