99

Oct 19, 2020 @ 13:43
By

Naturalization ni Kouame nasa Kongreso na

Nasa Kongreso ang usapin hinggil sa pagpapa-naturalize kay Ateneo Blue Eagle star Ange Kouame.

Kinumpirma ito mismo ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant Ryan Gregorio sa Sports Page.

“It’s now in Congress for Kouame, Ange Kouame to be naturalized, and we’re just waiting for it to be finalized,” saad ni Gregorio.

Sakaling maplantsa na ang pinoprosesong Philippine citizenship, magandang adisyon sa Gilas si Ivorian-bigman Kouame para sa susunod na FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

“Mr. Kouame may have had little knowledge of basketball before he came to our shores, but we cannot deny the immense potential he has shown by now.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?