55

By

Natulungan ko sila dati! Bato masama loob sa US

Malungkot at masama ang loob ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa United States matapos makumpirma nitong kanselado na ang kanyang visa.

Sa panayam kahapon, sinabi nitong noong dati pa siyang Philippine National Police (PNP) chief, natulungan naman niya ang kanilang counterparts sa US, tulad ng Federal Bureau of Investigation at Central Intelligence Agency sa kanilang hinihinging mga impormasyon subalit nagawa pa ring kanselahin ang kanyang visa.

“Kung sama ng loob, eh tao lang tayo. I’ve been helping may counterparts from US gov’t, the FBI, CIA and other agencies, we worked together. Ngayon after that tanggalin n’yo,” pahayag ni Dela Rosa.

“Sino ba masaya diyan, di na ako makapunta doon (sa US),” dagdag pa nito.

Ayon kay Dela Rosa, natanggap niya ang sagot mula sa US Embassy mula sa kanyang tanong, isang araw bago ang kanyang ika-58 kaarawan noong Enero 20.

“I sent official letter to the US Embassy inquiring from them, if really my visa was cancelled. I received the official answer, the day before my birthday, Jan 20. Good birthday gift. They inform me that my visa is no longer valid for travel to US,” sabi nito.

Wala naman umanong nakasaad sa letter kung anong rason ng kanselasyon subalit maaari naman siyang mag-apply ng panibago.

“Walang sinabi (reason) basta should I want daw to apply for another visa, I’ll be apply subject to US laws and rules and regulations,” sambit ng senador.

Pero hinala nito, may kinalaman sa isyu ng extrajudicial killings (EJK) ang rason ng pagkansela ng kanyang US visa.

“Most likely (EJK) pero wala naman sinabing reason,” sabi pa ni Bato, kasabay ng pagsasabing muli siyang magpapadala ng sulat sa US Embassy para alamin kung ano ba ang naging rason ng kanselasyon ng kanyang visa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?