10

Sep 4, 2020 @ 15:13
By

Nat’l quake drill gagawin online

Magsasagawa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mga aktibidad online para sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa September 10.

Hindi katulad ng nakagawiang NSED, magkakasa ang OCD ng Facebook Live streaming ng ceremonial na pagpindot ng button na hudyat ng pagsisimula ng “duck, cover, and hold” dakong alas-dos ng hapon sa September 10.

Hinikayat ni NDRRMC executive director at Office of Civil Defense (OCD) administrator Ricardo Jalad ang publiko na manood ng live stream at isagawa ang drill sa loob ng kanilang bahay.

Maliban sa mga nabanggit na aktibidad, isang online quiz bee ang ilulunsad sa September 7 ng alas-10:00 ng umaga.

Iaanunsyo ang mechanics nito sa Civil Defense PH Facebook Page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?