156

Oct 23, 2017 @ 16:49

Natitirang 30-40 terorista sa Marawi, naubos na

Narekober ng patay ng militar ang 30 hanggang 40 natitirang miyembro ng Maute ISIS group sa huling gusaling pinagkutaan ng mga terorista sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Col Romeo Brawner ang Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao matapos ang huling matinding sagupaan kagabi.

Aniya, ngayong araw ay kinukuha na ng militar ang labi ng nasa 40 terorista.

Nadagdagan naman ang mga sundalong nagbuwis ng kanilangg buhay, na ngayon ay umabot na sa 165 huling nadagdag ang dalawang sundalo sinunog at pinugutan ng mga terorista.

Narekober ang dalawang sundalo kahapon habang ikinakasa ng militar ang matinding sagupaan laban sa mga kalaban.

Umabot na rin sa 920 ang mga napatay na miyemro ng Maute ISIS group habang 1784 hostages o bihag ang kanilang nailigtas.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?