95

Oct 17, 2017 @ 18:21

Nationwide transport strike, generally peaceful – PNP

Naging mapayapa sa kabuuan ang isinagawang dalawang araw na nationwide transport strike mula sa iba’t ibang transport organization.

Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson, Police Chief Supt. Dionardo Carlos, sa harap ng kaliwa’t kanang transport strikes sa mga malalaking siyudad sa bansa, mahigpit itong namonitor ng mga security forces sa pakikipagtulungan ng mga itinalagang marshalls mula sa mga militanteng grupo, kaya walang naitalang untoward incidents.

Aniya, nakatulong ang pagsuspinde ng pasok sa mga pampublikong paaralan at mga government offices para mabawasan ang pagkaabala ng mga mananakay o commuters.

Sa huling monitoring ng PNP National Monitoring Center, umaabot sa kabuuang 1,061 mga drayber o mga raliyista ang nakiisa sa nationwide transport strike. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?