81

Feb 22, 2020 @ 21:49
By

Nationwide earthquake drill isasagawa sa Marso 12

Magaganap sa Marso 12 ang first-quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), alas-dos ng hapon sisimulan ang drill at kagaya ng nakalipas na mga taon ay may staging area ang bawat OCD regional office.

“We wish to announce that this year’s 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill will be held on 12 March 2020, at 2 p.m. For this first quarter, there will be no national ceremonial program at a specific site or venue. However, just like in the past drills, every OCD regional office has an identified staging area for simulation of scenarios,” sabi sa pahayag ng OCD.

Inanyayahan niya ang mga local government unit, academic institution, business at private establishment, religious group at iba pang sektor na makiisa sa gagawing drill bilang paghahanda sa anumang pagyanig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?