497

Dec 14, 2017 @ 11:50
By

Nationwide earthquake drill, ikakasang muli ng NDRRMC

Magsasagawa muli ng nationwide simultaneous earthquake drill ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Biyernes, Disyembre 15.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, alas-dos ng hapon sa Biyernes gagawin ang pagsasanay sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Habang ang mga local drill ay gagawin din nationwide sa pamamagitan ng mga Regional DRRMC.

Gagawin ng NDRRMC ang panibagong earthquake drill upang makapaghanda ang mga Pinoy sa inaasahang pagtama ng ‘the big one’.

Ito na ang ikaapat na beses na nagsagawa ng earthquake drill. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?