52

Nov 9, 2017 @ 18:29
By

National Youth Day, dinaluhan ng libong delegado

Umarangkada na ang National Youth Day (NYD) na idinaraos sa Zamboanga City kung saan libu-libong mga Katolikong kabataan mula sa iba’t ibang diocese sa buong bansa ang nagtitipon.

Ayon kay Fr. Marciano Villagracia, ang media director ng Archdiocese of Zamboanga, umaasa sila na ang mga kabataang dumalo sa pagtitipon o ang mga tinatawag na “NYD pilgrim” ay maging instrumento ng pagbabago.

“We hope that [the NYD pilgrims] become catalysts of change, since our country is facing problems,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Villagracia.

Aniya, maraming mga bagay na kayang tugunan ang mga kabataan, pero dapat nilang maunawaan na ang mga nasabing bagay ay nagsisimula sa kanila.

Layunin umano ng nasabing pagtitipon na mailapit ang Panginoon sa mga kabataan at maramdaman nila ang presensiya ng Diyos saan mang lugar sila magtungo.

“God is here, God is also here, God is everywhere, God is also in Zamboanga despite the fact that we encounter problems, He is near,” saad ni Villagracia.

Sa kabila ng mga agam-agam sa seguridad sa Mindanao, kabuuang 2,052 delegado ang dumadalo sa NYD na magtatapos sa Nobyembre 10.

“There was an apprehension in the delegates, [regarding] security aspect and they [had] this fear, but we hope, through their NYD experience in Zamboanga, with the grace of God, they can experience the peace and harmony here and be ambassadors of Zamboanga City,” pagtatapos ni Villagracia. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?