19

By

National volleyball team, lumipad na pa-Thailand

Sharing is caring!

Biyaheng-Thailand na ang national team ng Pilipinas para sa gaganaping 2018 Asian Women’s Volleyball Cup simula Setyembre 16 hanggang 23.

Pinangungunahan nina Aby Maraño, Mika Reyes, Cha Cruz-Behag, Mylene Paat, Denden Lazaro at Maika Ortiz ang Pilipinas. Nasa Thailand naman na sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Jema Galanza at Melissa Gohing dahil sa training nila kasama ang Creamline.

Dadagdag naman sa koponan ang beteranong sila Aiza Maizo-Pontillas, Jasmine Nabor, at Gretchel Soltones.

Kapansin-pansin na nawala sa team sina Kim Fajardo, Majoy Baron, Dawn Macandili, at Kim Dy. Si Fajardo ay nagpapagaling ngayong ng kanyang injury samantalang sina Baron, Macandili at Dy naman ay nasa New York kasama ang Lady Spikers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?