73
National volley squad, papangalan sa Biyernes
Mar 6, 2019 @ 15:35
By

National volley squad, papangalan sa Biyernes

Makalipas ang two-day tryout para sa mga nag-aasam mapabilang sa national team noong Enero, iaanunsyo na sa Marso 8, Biyernes, ang mga matagumpay na nakapasok sa line-up na magrerepresenta para sa bansa.

Naganap ang pa-tryouts para sa women’s senior at under-23 noong Enero 24-25 sa Arellano University School of Law Gymnasium kung saan mahigit 60 players ang dumalo.

Ilan sa mga ito ay sina Mika Reyes, Alyssa Valdez, Aiza Maizo-Pontillas, Kianna Dy, Ces Molina, Denden Lazaro, Mylene Paat, Jia Morado, Aby Maraño, Dawn Macandili at ngayong dual-citizen na si Kalei Mau.

Samantala, iaanunsyo rin sa parehas na araw ang bubuo sa men’s national volleyball team.

Naganap noong Pebrero 9-10 ang tryouts sa University of the East Gymnasium kung saan mahigit 90 players ang sumabak.

Kabilang dito sina John Vic De Guzman, Mark Alfafara, Ran Abdilla, Bryan Bagunas, Ish Polvorosa, Joshua Umandal, Noel Kampton at John Paul Bugaoan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?