32

Nov 8, 2021 @ 16:10
By

National Vaccine Day sinulong ni Galvez

Iminungkahi ni National Task Force against COVID-19 chief Iimplementer Carlito Galvez Jr. ang ‘National Vaccine Day’ na isagawa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

“Tinataon natin yung National Heroes Day, Nov. 30, kasi parang ang messaging natin (is) ang lahat ng tao na magpabakuna ay isang bayani,” saad ni Galvez sa Laging Handa press briefing nitong Lunes.

Aniya, ang programa ay naglalayon na palakasin ang pagbabakuna sa bansa, lalo na sa mga lugar kung saan may mababang bilang ng bakunado.

Sinabi ni Galvez na ang supply ng bakuna sa bansa ay sapat na at maaari ng bigyang daan ang mass vaccination event.

Layunin ng gobyerno na ganap na mabakunahan ang hanggang 77 milyong katao sa bansa upang makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?