38

Oct 11, 2021 @ 20:43
By

National Scientist Ramon Barba yumao na

Pumanaw na nitong Linggo ang national scientist na si Dr. Ramon Barba.

Siya ay 82-anyos.

Inanunsyo ito ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña ngayong Lunes at sinabing pararangalan nila si Barba.

“I will honor him in behalf of DOST on Oct. 14 at 9 a.m. here in DOST where his remains will be brought,” pahayag ni de la Peña sa ulat ng Bulletin.

Si Barba ay pinarangalan ni yumaong dating Pangulo Benigno Aquino III noong 2014 ng Order of National Scientist.

Isa sa mga ambag ni Barba ay ang flower induction treatment sa mangga.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science degree in Agriculture sa University of the Philippines noong 1958, at nagkaroon ng Master of Science (M.Sc.) degree in Horticulture sa University of Georgia noong 1962 at doctorate sa plant physiology sa University of Hawaii noong 1964.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?