12

Aug 5, 2021 @ 12:25
By

National record-breakers sa Olympics may premyo

Inaprubahan umano ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez nitong Miyerkoles ang pamimigay ng P250,000 sa mga Pinoy Olympians na naka-basag ng national record sa Tokyo.

Ayon sa isang opisyal mula sa Gymnastic Association of the Philippines, naitala ni Carlos Yulo sa vault finals ang pinakamataas na iskor ng kahit sinong Pinoy athlete sa international competition sa average score na 14.716.

Bukod kay Yulo, ilan pa sa mga nakabasag ng national record sa Olympics sina Elreen Ando (weightlifting) at swimmer na si Luke Gebbie.

Naitala ni Gebbie sa 100-meter freestyle ang oras na 49.64 segundo, na bumasag sa unang national record na 49.94 segundo na siya rin mismo ang nagtala noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?