16

Nov 23, 2021 @ 17:36
By

National museum para sa kababaihan aprub sa 2nd reading

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagtatayo ng national museum para sa mga Filipina.

Ang panukalang National Museum of Filipino Women Act (House Bill 1033) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala, itatayo ang isang museo kung saan ilalagay at iingatan ang mga bagay, memorabilia, at iba pang bagay na nagpapakita ng kabayanihang ng mga babae at ang kanilang kontribusyon sa bansa.

Ipakikita rin dito ang mga hakbang na ginawa upang malabanan ang diskriminasyon, opresyon at karahasan laban sa mga babae.

Ang museo ay isasailalim sa Philippine Commission on Women.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?