14

Feb 16, 2021 @ 18:21
By

National Museum malapit na buksan

Nalalapit na ang reopening ng National Museum of the Philippines matapos ang 11 buwan na pagsasara dahil sa coronavirus pandemic.

Kamakailan ay binisita ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang National Museum para malaman kung kailan maaaring magbukas sa publiko.

“With the green light just having been given by the authorities, it will be very soon, subject to some final decisions and consultations to ensure everyone’s safety as well as enjoyment. An official announcement will be made this week,” sabi sa Facebook post ng museo.

The #NationalMuseumPH received a most welcome visit from our Secretary of Tourism today, to determine when the…

Posted by National Museum of the Philippines on Monday, February 15, 2021

“It’s about time the National Museum opens its doors once again, of course with health and safety protocols,” saad naman ni Puyat sa kanyang Instagram Story.

Ayon sa Tourism chief, mayroon nang nagawang guidelines para sa pagbubukas ng National Museum pero kailangan pa ng mga final consultation para matiyak ang kaligtasan at kasiyahan ng publiko.

Dagdag niya, hindi pa napa-finalized pero lilimitahan ang bilang ng taong maaaring makapasok sa museum sa hanggang 30 porsiyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?