26

Dec 17, 2020 @ 15:12
By

National minimum wage sa mga kasambahay sinusulong ni Bello

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat magkaroon ng national minimum wage rate para sa mga kasambahay.

Sinuhestiyon niya ang minimum rate na P6,000.

“The P6,000 is just a proposal. I think that amount is reasonable,” anang Labor chief sa isang press briefing nitong Huwebes.

“If you cannot afford that, then do the work yourself. Don’t hire a housemate for a meager amount of P2,000 to P3,000. That’s too low,” dagdag niya.

Dapat aniyang maging pantay-pantay ang minimum wage nationwide para sa mga kasambahay sa halip na ang kasalukuyang sinusunod na regional setting.

“I prefer that it be the same. Regardless if they are in Isabela or Mindanao, the pay of household service workers should be the same,” aniya.

Sa ngayon ay nakadepende ang minimum wage sa itinakda ng Regional Tripartite and Productivity Wage Boards batay sa Kasambahay Law kung saan ang National Capital Region ang may pinakamataas na minimum wage rate sa mga kasambahay na P5,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?